October 2015
Kakarating lang ng friend namin from Singapore at ilang araw lang ang bakasyon niya kaya kahit panahon ng bagyo kailangang matuloy kundi matatagalan ang next time. Kakarating lang noon ni bagyong Kabayan, we initially planned going to Potipot Island in Zambales pero hindi feasible. Malamang walang bangka ang babiyahe sa ganung panahon, kung meron man, malaki ang risk na tumaob ang bangka. So we planned going to Batangas instead.
Since late na kami nakaalis dahil sa maulan, inabutan na kami ng lunch time sa Tagaytay City at kumain muna sa Mar Ben Canteen Tapsilog. Yung Bulalo nila ay around PhP400 good for 2-3 persons. Pero kung gusto niyo ng mas mura at mas authentic feel, hanapin niyo yung sa palengke ng Tagaytay. Doon kumakain ang mga lokal.
Pagdating namin ng Batangas, ang lakas pala ng alon dahil sa bagyo. Hindi talaga ideal maligo sa dagat. Kaya sa Laguna na lang daw para maghanap ng resort.
We ended up in a private hotspring resort dahil may kamahalan ang mga resort. Tamang-tama din kasi malamig.
Sa Lirio Private Resort in Brgy. Pansol, Calamba, Laguna kami napunta na worth PhP5,000 lang ang entire place, inclusive use of videoke, billiard table, 3 rooms with air conditioners, at pwede pa magluto. I don’t have good quality photos, ’cause I did not intend on putting it on a blog. Anyways, pagtiyagaan na muna yang blurred photos. Hahaha!
Since the water is coming from a hotspring, wala siyang thermal control. Sa unang lusong mo mararamdaman talaga na sobrang init. Pero mag-aadjust din ang katawan mo kapag luto ka na.
Here’s the breakdown expenses for 10 people sharing.
Expenses | Amount PhP |
2 way Bus/Transportation share (gas/toll) | 200-600 |
Bulalo (optional) | 150-250 |
Lirio Pirvate Resort Share | 500 |
Food | 200-300 |
Total | 1,050-1,650 |
*Photos taken with GoPro Hero 3+ Black Edition.
*Photo grabbed from Lirio Facebook page
Lirio Private Resort
#5 Purok 1 National Highway, Brgy. Pansol, Calamba, Laguna
0936 100 6179
https://www.facebook.com/Lirio-Resort-Lirio-Private-PooL-162221990554570/timeline